Saturday, May 31, 2008

Poetry 2: Para sa'yo...

Una pa lang kitang makita
Di na alam ang kahihinatnan
Agad ay minahal na kita.
Kakaibang kislap sa mata
Puso ko'y agad nang tumibok
Nang una lang kitang makita.
Sa pagpikit ng aking mata
Ikaw pa rin ang nakikita
Talagang minahal na kita.
Katawan mong balingkinita
Tumatak na agad sa akin
Una pa lang kitang makita.
Ibang tingin ng iyong mata
Na tumagos sa 'king puso
Agad ay minahal na kita.
Ako man ay lunod sa alak
Ikaw pa rin ang nakatatak
Una pa lang kitang makita
Agad ay minahal na kita.

No comments: