Friday, July 25, 2008

Highschool moments: Ako, si Puso at si Isip


Tuwing lalabas ako ng classroom namin, nakikita kitang malayo ang tingin mo. Minsan iniisip ko na lang na ako ang sinusundan mo ng tingin kahit na alam ko na napakakapal ng mukha ko...
Gusto ko itanong sa'yo:
"Bakit? Sino ba ang hinahanap mo? Yung taong mahal mo? Yung taong mahal mo na bawal kayo? Ako? Hindi ba ako pwede?"
Hanggang sa makalayo na ako at di ka na makita.
Sabi ng puso ko:
"Balikan mo, balikan mo... Baka nandoon pa sya, hinihintay ka bumalik..."
"Ang kapal mo naman!!! Gusto ka ba nun para hintayin ka?!! At saka kahit kailan di ka nya mamahalin, ni hindi mo nga mararamdaman ang pagmamahal nya e o kaya ang pansinin ka!!!"
Nakakalito! Di ko alam kung sino ang susundin mo, ang puso mo ba na nagsasabi na balikan mo o ang isip mo na nagsasabi ng totoo ngunit masakit.
Ayan na... Malapit ka na dumating... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Minsan pinaplano ko na ang lahat at para hindi mapahiya sa sarili ko, sinusunod ko ito kahit masakit. Lilipat ako ng upuan kasi alam ko na alam nya na hindi ako nalipat ng upuan.
"Dyan ka na lang baka hanapin ka pa nya at baka magtaka pa sya kung bakit ka nandyan...", sabi ng puso ko.
"Ay, naku!!! Lumipat ka na lang kasi hindi naman ikaw ang tinitingnan nyan,feeling mo lang ikaw!!! Alalahanin mo, iba ang gusto nya, hindi ikaw!!!", sabi naman ng isip ko.
Syempre plano ko lumipat kaya lumipat na ako kahit masakit...
Pagkatapos ng klase, nagmamadali akong lumabas kasama ang kaibigan ko kasi alam ko na alam nya na titigil pa ako doon para makipagkwentuhan o para mag-ayos.
"Dito ka muna at batiin mo sya o kaya'y ngitian mo...", ang sabi ng puso ko.
"Lumabas ka na at masasaktan ka lang kasi di ka naman nya papansinin!!!", sabi ng isip ko.
Syempre lumabas na ako kahit masakit...
Minsan kapag nakakasalubong kita, napapaiwas na lang ako bigla lalo na kapag nakikita kitang nakangiti kaya tuwang tuwa ang isip ko habang naiyak ang puso ko.
Pagdating namin galing sa nakaraang subject, hinahanap na kita agad , ang puso ko ay umaasa na makikita kita, makakasalubong at mangingitian habang galit na galit at hindi umaasa ang isip ko...
Uwian na!!! Habang nasa jeep ako ay hirap akong ilibot ang aking mga mata kasi inuutusan ako ng puso ko na ilibot ito kasi maaaring makita kita, ngitian mo ako at sundan ako ng tingin hanggang sa makalayo. Ang isip ko naman ay tutol, baka daw kasi di mo ako makilala dahil malabo mata nya o kaya naman ay di pansinin...
Hanggang sa makarating na ako ng bahay at tumunog ang cellphone ko.
"Naku! Baka sya na yung nagtext!!!", sabi ng puso ko.
"Hindi sya yan at hinding hindi ka nya itetext kahit ano pa ang mangyari...", sabi ng isip ko.
Nalilito na ako at gulong gulo na pero isa lang ang hinihintay ko: kailan kaya magkakasundo ang puso at isip ko???

No comments: